Date
Author
Web3Amirah
Infrastructure
Muling Alalahanin ang mga Remittance kasama ang Teknolohiya ng Blockchain at Celo
Paano ang mga blockchain-based remittance solutions tulad ng Celo ay nasa maayos na posisyon upang mag-alok ng mas mahusay na karanasan sa mga kustomer.

Reading time
7 minutes
Share
Mga Kuwento mula sa mga gumagamit ng Remittance
Orihinal na Paglalathala
Ang mga Remittance ay isang mahalagang pangangailangang pampinansyal sa buhay ng mga tao, mga pamilya at bansa sa buong mundo. Subalit ang mga kasalukuyang remittance ay nag-aalok madalas ng masalimuot, magastos at abala sa oras. Ayon sa bagong report ng BIS na nagsasabing “ang mga pagbabayad sa cross border ay nananatiling mabagal, mahal, at malamlam, lalo na sa pagbabayad sa mga retail katulad ng mga remittance.”
Sa bahaging ito kami ay mag-eexplore kung paanong ang blockchain-based remittance solutions katulad ng Celo ay nasa maayos na posisyon para mag-alok ng mas mahusay na karanasan sa mga kustomer kumpara sa mga kasalukuyan.
“Ang aking biyenang babae ay lubhang may karamdaman kaya kailangang-kailangan namin ng pera. Ang aking asawa na nagtatrabaho sa US ay nagpadala ng pera at sinabing ito ay aabuting ng 30 minuto. Subalit ang pera ay hindi nakarating sa araw kung kailan namin kailangan. Ito ay naipadala sa ibang bayan sa ibang lugar. At ang aking asawa ay nagtatrabaho sa araw, kung kaya kailangan naming maghintay hanggang sa katapusan ng linggo para sya ay makapunta at makuha ang pera at subukang muli na ipadala gamit ang ibang provider. Gumagamit kami ng ibang-ibang serbisyo sa pagpapadala dahil sa ibang lugar ay makakapagpadala ka lamang ng pera sa mababang halaga.” — Rosa, Mexico

Inilalaran ni Rosa ang kanyang karanasan sa mga remittance mula US patungong Mexico.
Hindi nag-iisa si Rosa; milyon-milyong mga manggagawa ang humaharap ngayon sa malaking hamon sa pagpapadala ng pera sa buong mundo. Sa katunayan, ang cLabs ay nakikipag-usap sa ilang piling mga gumagamit, ang mga pag-uusap na ito ay may nilalaman na mga mahahalagang paksa at mga hamon na nakaharap nila sa pagpapadala at pagtanggap ng pera. Gusto naming ibahagi sayo ang ilang kaisipang ito, dahil sila ang nagsisilbing larawan ng pagkukulang sa sistema ng kasalukuyang mga remittance, at ang mga mamamayan ang mas apektado o napag-iiwanan.
“Hindi ako sigurado kung saan napupunta ang perang pinapadala ko sa aking mga anak, o kung saan nila ito ginagamit. Dahil sa Covid, napakahirap ngayong lumabas at mag-top up sa aking account.” — Sarabel, Pilipinang OFW na naninirahan sa Singapore
“Binabayaran ako sa mga trabahong ginagawa ko bilang freelancer ng mga kliyente ko sa LA. Binabayaran ng mga Kliyente ko ang aking Tita na naninirahan sa lokal, pagkatapos ay ibinibigay naman niya ito sa Tito ko na madalas bumibisita sa LA galing ng Texas. Nakukuha ko lamang ang aking pera dalawang beses sa isang taon kapag ako ay bumubisita sa kanya sa Texas. Sa ganitong paraan naiipon ko ang komisyon sa pagpapadala sa Mexico habang ginagawa ko ito para maipon ang aking pera.” — Julia, Mexico
“Nagpapadala ako at ang aking ina ng pera sa Zambia gamit ang Western Union para makatulong sa pagpapatakbo ng programa sa edukasyon ng sakahan na aming sinimulan. Ang mga magsasaka ay kailangang makahanap ng bangko sa aming lokal na may sapat na pera para makapag-withdraw. Kaya ang ginagawa namin ay hinahati ang pagpapadala ng pera araw-araw para maiwasang umabot sa kanilang limitasyon. Ang Western Union ay nangangailangan ng maraming oras na abala at mga bayad. Gusto ng aking ina na matulungan ang aming mga kababayan na magkaroon ng sapat na estado gaya ng iba sa buong mundo dahil sa kasalukuyan hindi sila konektado at sila ay napag-iiwanan.” — Haile, United States

Tinanong ng cLabs ang mga gumagamit ng remittance na kumonekta kung saan sila naninirahan sa kung saan nila pinapadala o tinatanggap ang pera.
Ang Estado ng mga Remittance
Gaya ng mga naka-highlight na kuwento sa itaas, ang mga nagpapadala at tumatanggap gamit ang remittance ay kailangang tumalon sa maraming butas para lamang magkaroon ng daan upang mahawakan ang kanilang pinaghirapang pera, bago pa man magka-Covid 19 ay apektado na ang buhay ng nakakaraming tao. Sa parte ng nagpapadala, ang pagpunta sa isang branch para makapag-cash in, mga papeles na kailangang punan, mahabang pila, manwal na proseso, at kulang ng saklaw sa bangko o pagsasama-sama ng payroll ay ilan lamang sa mga nakakasiphayo. Sa parte naman ng tatanggap, ang pagpunta sa depot para makapag-cashout, paghihintay sa mahabang pila, kakulangan sa pagproseso ng pagkakakilanlan, problema sa pagbasa’t pagsusulat, pag-aayos ng bungkos ng pera, magnanakaw, at ilang beses na paglipat mula sa ilang araw hanggang isang linggo ay ang mga dagdag na hadlang sa mga remittance.
Tinataya ng UN na sa taon lamang ng 2018, $689 bilyon ang naipadala sa mga tahanan ng humigit 200 milyong mga migranteng manggagawa, kung saan ang $59 bilyon ay napunta sa mga pinapa-unlad na bansa. Kumakatawan ito sa halagang mas higit pa sa pinagsamang opisyal na pagtulong sa pagpapa-unlad at mga direktang pamumuhunan na natanggap ng mga bansang ito. Ang mga bayad sa Remittance at bayad sa account ng pag-convert sa pera ng kabuuang halaga sa 7% ng perang ipinadala, o $48 bilyon sa taunan. Sa paksa ng mga Taga-Timog sa Timog, ang mga ganyang bayad ay gumugugol ng 15–20% ang halaga ng perang naipadala! Dahil dito, ang perang ito ay kumikita ng hanggang 60 porsyento ang natatanggap sa tahanan ng pamilya, isinasakatawan ng mga bayad na ito ang malaking kabawasan sa mga pamilyang mas nangangailangan ng pera.
Ang mga problema sa kasalukuyang sistema ay tukoy na. Ang magandang balita, sa kasalukuyang panahon ng pag-usbong ng fintech solutions, ang pamana ng komersyo sa remittance ay nagkaroon ng pagkakataong maisayos at mapabuti ang mga pagbabago para sa benepisyo sa parte ng mga gumagamit, sa pangunguna ng teknolohiya ng blockchain sa pagbabagong ito.
Lumilikha ang Blockchain ng Bagong Karanasan sa Pandaigdigang mga Pagbabayad
Ang teknolohiya ng Blockchain ay may potensyal na solusyon sa mga malalalim na ugat na hamon sa pandaigdigang pagbabayad. Sa pangunahing antas, ang blockchain ay nagbabahagi, may censorship-resistant database, pinapangasiwaan sa pamamagitan ng malawak na network ng mga kompyuter, kung kaya ang mga transaksyon o impormasyon ay maibabahagi at makukumpirma ng mas mabilis. Hindi na kailangan ng negosyador sa pagitan ng parehong pangkat na naniningil ng bayad, at ang gantimpala sa paggamit ay maibabahagi na sa komunidad, para matulungan silang maihanay ang mga incentive. Sa ngayon, marami ng tao ang gumagamit ng teknolohiya ng blockchain sa pagpapadala ng pera sa buong mundo, ng mas mura, at mas mabilis kumpara sa iniaalok ng kinalakhang remittance. Subalit ang dagdag na hakbang, kadalian ng paggamit, at volatility sa pera ay ang mga pangunahing abala para mas mapalawak ang pag-adapt ngayon sa blockchain.
How Celo Can Create a Better Remittance Experience

Ang Celo ay isang protocol sa blockchain na ginawa upang tulungan ang 1.7 bilyong tao na hindi kalahok sa sistema ng pandaigdigang pinansyal. Ang Celo Wallet ay isang consumer-facing mobile app na gumagamit ng blockchain na kasing bilis ng pagpapadala ng text message; at ang wallet ay may pinagsamang katutubong stablecoin ng Celo sa kanilang plataporma kaya mas madali para sa mga gumagamit na panatilihin ang halaga ng kanilang perang ipinapadala.
Ang mga taong gumagamit ng Celo sa pagpapadala ng pera ay mas madaling makakapaglipat at ligtas na na-impok ang kanilang pondo gamit ang cellphone.
Mas madali itong maunawaan ng mga taong nagpapadala at tumatanggap ng pera gamit ang kanilang gumaganang numero kumpara sa komplikadong public keys, gaya ng mga nakasanayan sa ilang protocol sa blockchain.
Ang protocol ng Celo sa pinagkasunduang proof-of-stake ay nagbibigay-daan sa pagkumpirma ng mga transaksyon sa ilang segundo, at ng matataas na transaksyon hanggang sa ilang libong transaksyon kada segundo depende sa parameter ng system.
Ang cLabs, isang pangkat na nagtatrabaho sa Celo, ay nagsagawa ng malawakang pagsusuri ng produkto sa buong mundo. Ang pakikipag-ugnayang ito ay nagbigay ng mahahalagang kaalaman kung paano idinesenyo ang Wallet. Mga pag-unlad na ibinahagi ng mga gumagamit:
“Gamit ang numero sa cellphone mas madali ito kumpara sa mga crypto wallet.” — Hideyoshi, Japan
“Magandang magkaroon ng ganitong app para suriin ang aking balanse — para maglipat sa isang account patungong ibang account. Magagamit ko ang app na ito upang makapagbayad ng bills at hindi na kailangan pang lumabas papuntang tindahan o ATM.” — Antonio, Philippines
“Madali itong gamitin ng mga kakilala, at hindi ko na sila kailangan pang turuan ng tungkol sa crypto.” — Andrew, USA
“Sa Malaysia, ang mga nasa mas matandang henerasyon, iniipon nila ang pera sa lata ng biskwit. Tiyak na ito ay mas mabisa kung mas madaling magagamit at mag-transfer ng digital na pera gaya nitong wallet.” — Caleb, Malaysia
Mga Leksiyon mula sa pilot ng Remittance ng Celo kasama ang BeamAndGo, miyembro ng Celo Alliance for Prosperity
Ang Pilot
Ang mga miyembro ng Celo Alliance for Prosperity ay bumubuo ng protocol sa Celo para maglingkod sa madaming bilang ng mga tao na kasalukuyang hindi kasama sa mga pinaglilingkuran ng legacy financial solutions. Ang BeamAndGo ay isang miyembro ng Celo Alliance na naglilingkod sa ating mga kababayan sa kabilang ibayo (OFWs) mula sa Pilipinas. Pinapayagan nila ang mga OFW na makabili ng mga pangunahing pangangailangan para sa kanilang pamilya sa kanilang tahanan, makapamili sa libo-libong tindahan sa sandosenang mga bayan at rehiyon sa Pilipinas. Humigit kumulang 30 sa mga kustomer ng BeamAndGo mula sa Singapore at kanilang pamilya sa Pilipinas ang nakilahok sa ginanap na pilot ng digital remittance noong Abril, kasama ang pangkat ng Singapore sa pagpapadala ng test na Celo Dollars sa pangkat ng Pilipinas. Lahat ng gumagamit na nakilahok sa sesyon ng pagsusuri ay gumamit ng Celo Wallet sa pagpapadala at pagtanggap ng mga remittance, at nakumpleto ang isinagawang survey tungkol sa kanilang mga karanasan.
Ano ang mga Natutunan
Ang mga OFW mula sa Pilipinas na naninirahan sa Singapore na nakilahok sa pilot ay matagumpay kasama ang pag-download, pag-onboard, at pag-unawa sa wallet ng Celo. Ang mga gumagamit ay napakabukas para lumipat ng mga remittance provider tungo sa mas murang solusyon gaya ng Celo. Sa parehong pangkat, ang Covid-19 ay nagpabilis ng pandaigdigang paglipat sa isang digital na ekonomiya, pagbibigay-pansin sa mga pakinabang ng digital na pera sa cash para sa mga remittance. Ang mga kalahok ng Pilipinas sa partikular ay nababahala tungkol sa panganib na lumabas sa panahon ng lockdown, at ang mga mahabang linya sa pila sa mga remittance center na nanatiling bukas.
“Gusto ko kung paano namin magagamit ang Celo sa pagpapadala ng pera. Kung mayroon kang mas mahusay na rate ay tiyak kong magagamit ito sa hinaharap.” — Mary Grace, Philippines OFW living in Singapore
“Inaasahan kong sa lalong madaling panahon ay darating ito, ang ganitong uri ng mga remittance. Inaasahan ko na ang BeamAndGo ay may ganitong uri ng remittance sa Pilipinas, ito ngayon ay mas madali at ligtas.” — Sarabel, Philippines OFW living in Singapore
Sumali sa Misyon ng Celo na Mapalawak ang Pag-access sa Pananalapi
Ang Celo ay ginawa upang mapagaan ang mga problema ng karamihan na kinakaharap sa mga remittance at iba pang serbisyo sa pinansyal. Kung naging inspirasyon sayo ang misyon sa pananalapi ng Celo at gustong tumulong para mabuo ang mga kondisyon para sa ikakaginhawa ng lahat, iniimbitahan ka ng cLabs para makisali. Makilahok sa amin para makatulong sa mga tao at mga pamilya sa buong mundo na nakadepende sa mga remittance; ang bawat tao ay mahalaga sa pagsisikap na ito.
Maraming salamat kina Will at Xochitl para sa kanilang tulong sa kuwentong ito.
Orihinal na inilathala ni: Evan Kereiakes
Payments
Stablecoins
Wallets
Latest


