Date

Author

Mangaoang Mafel

Infrastructure

Ang FAQs ng Reserba sa Celo

Ano ang reserba ng Celo at paano ito gumagana — isang FAQ tungkol sa mekanismo ng katatagan ng halaga ng Celo.

celo-becomes-the-first-chain-to-support-local-currency-agentic-payments-with-rip

Reading time

5 minutes

Share

Copy link
Ano ito at paano ito gumagana

Orihinal na Paglathala

Ano ang Celo protokol?

Ang Celo protokol ay isang plataporma na kung saan ang komunidad ay maaaring gumawa ng nagpapatatag sa halaga ng digital assets. Ang mga digital assets na ito ay naglalayong masubaybayan ang halaga ng isang umiiral na real-world asset (halimbawa, ang una, cUSD, ay sinusubaybayan ang US Dollar). Kasama rin sa protokol ng Celo ang mga mekanismo para sa magaan na pagkakakilanlan at pagpapatunay sa ultralight mobile. Ang plataporma ay naglalayong gawin ang mga assets na itinayo sa protokol upang madaling gamitin sa pamamagitan ng isang mobile device. Ang orihinal na whitepaper ang magbibigay ng malawak na pangkalahatang-ideya ng protokol.

Ano ang reserba?

Upang matulungan patatagin ang halaga ng Celo stabilized assets, ang protokol ay sinusuportahan ng isang sangkap na tinatawag na reserba. Ang reserba ay binubuo ng isang basket ng mga cryptocurrency na tumutulong sa protokol upang bawasan ang supply ng Celo Dollars (cUSD).

Kapag nilalayon ng protokol na bawasan ang supply ng Celo Dollars (sa mga oras na mas malaki ang supply kaysa sa kinakailangang target sa punto ng presyo, o sa madaling salita, kapag ang presyo ng Celo Dollars ay mas mababa sa $1), ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga gumagamit na nagbebenta ng Celo Dollars, gamit ang CELO, ang katutubong asset ng Celo, upang makabili. Ang CELO ay dating tinawag na Celo Gold o cGLD at binago ito sa CELO matapos ang isang panukalang pamamahala na hinimok ng pamayanan. Sa kabaligtaran, kapag nilalayon ng protokol na dagdagan ang supply ng Celo Dollars (kung ang presyo ng Celo Dollars ay mas malaki sa $1), ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga gumagamit na bumili ng bagong likha na Celo Dollars kapalit ng CELO, kung saan inilalagay nito sa reserba at nag-iiba-iba. Ang mga may hawak na Celo Dollars ay maaaring matubos ang mga ito para sa CELO gamit ang protokol, o ipagpalit ang mga ito para sa iba pang halaga sa pamamagitan ng palitan sa ikatlong partido, ngunit walang karapatan sa magkakaibang mga crypto assets, na ginagamit upang patakbuhin ng katamtaman ang pabago-bagong CELO.

Bakit kapaki-pakinabang ang reserba sa protokol?

Ang anumang protocol na naglalayong patatagin ang halaga ng mga token ay nangangailangan ng isang paraan upang ikontrata ang supply ng mga token sa sirkulasyon. Upang magawa ito, ang protokol ay nangangailangan ng isang mekanismo upang alisin ang mga token mula sa sirkulasyon. Sinusuportahan ng reserve assets ang mekanismong ito.

Anong binubuo ng reserba?

Ang kasalukuyang target ng alokasyon para sa reserba ay 50% CELO, 30% BTC, 15% ETH, at 5% DAI. Maaabot ng reserba ang target na ito pagkalipas ng panahon, at ang alokasyon ng target na ito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng pamamahala. Kapag naabot ang unang alokasyong ito, ang reserba ay minsanang mababalanse upang maabot ang target. Isasagawa ang rebalancing sa isang paraan upang balansehin ang tradeoff sa pagitan ng pagpapaliit ng gastos sa kalakalan at pagpapalaki ng pagsubaybay sa mga alokasyon ng target.

Bakit ang reserbang komposisyon sa una ay wala sa target?

Ang unang reserba ay pinondohan ng CELO. Ang pag-iiba-iba nito sa paglipas ng panahon ay nagbibigay-daan para makamit ang pagbabalanse ng reserba nang walang malakihang minsanang pagbebenta at minsanang pagbili. Ang oras upang makapunta sa target ng balanse ay nakasalalay sa mga parameter para sa pag-iimbak ng reserbang CELO na gumagalaw (na itinakda sa pamamagitan ng pamamahala), at ang kinakailangan sa merkado para sa CELO.

Ano ang mga mataas na paggamit ng crypto bilang reserba ng assets?

Ang isang pangunahing mataas na paggamit ng mga crypto assets sa reserba ay ang lahat ng mga transaksyon ng gumagamit na may reserba ay maaaring mangyari sa on-chain, na isang desentralisadong pamamaraan, sa isang paraan na buong na-awdit. Sa blogpost na ito na pinag-uusapan ang tungkol sa iba’t ibang mga uri ng collateral bilang mga reserve assets.

Nangyayari ba ang rebalancing sa on-chain?

Hangga’t may kakayahang magkaroon ng disentralisadong mga transaksyong cross-chain sa CELO, ang rebalancing sa reserba ay nangyayari sa off-chain. Gayunpaman, maraming mga koponan ang nagtatrabaho sa mga transaksyong cross-chain at inaasahan naming makita ito sa susunod na taon.

Ano ang mga mababang paggamit ng crypto bilang reserba ng assets?

Ang pangunahing mababa ay ang halaga ng karamihan sa mga crypto assets na nagagamit ngayon ay nagbabago-bago. Mayroong isang bilang ng mga mekanismo sa protokol upang tugunan ito. Una, nagsisimula ang reserba bilang isang overcollateralized na reserba. Pangalawa, sa mga oras na ang ratio ng reserba ay makakakuha nang mas mababa sa isang tiyak na threshold, isang transfer fee na pupunta sa reserba ay nailalagay kapag naglilipat ng CELO. Pangatlo, sa mga oras na ito, ang isang bahagi ng gantimpala sa bloke ay naipupunta din sa reserba. Pang-apat, ang mekanismo upang mapalawak at kontrata ng supply ay mayroong isang maliit na bayad para sa bawat pagpapalawak o pag-urong ng transaksyon na pupunta sa reserba.

Ano ang ratio ng reserba?

Ang ratio ng reserba ay ang ratio sa pagitan ng laki ng reserba at ang kabuuang halaga sa lahat ng natitirang cUSD (at iba pang hinaharap na nagpapatatag sa token na suportado ng reserba).

Ano ang mga pamantayan sa pagpili ng reserbang assets?

Ang pagpili sa reserbang asset ay ginagawa sa pamamagitan ng pamamahala ng pamayanan. Sa ngayon, ang anumang mga bagong reserbang assets na dapat isaalang-alang ay dapat na may malayang palitan at naayos ng 24/7 sa mga likwid na merkado, at dapat batay sa isang bukas na pinagmulan ng protokol.

Anong impormasyon tungkol sa reserba ang magagamit sa pamayanan?

Higit pang impormasyon tungkol sa reserba, ang kasalukuyang hawak ng reserba at ang mga address ng reserba ay matatagpuan sa celoreserve.org. Ang nilalaman para sa website na ito ay gagawin ng koponan ng cLabs, Alyansa para sa Ikauunlad ng mga miyembro, Custodians, at mga kalahok sa pamayanan.

Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon?

Ang whitepaper ay matatagpuan dito. Ang matatag na pagsusuri at isang detalyadong paliwanag ng lawak at pagpapaikli ng mekanismo ay matatagpuan dito. Ang site ng teknikal na dokumentasyon para sa proyektong Celo ay maaaring matagpuan dito.

Orihinal na may akda: Markus Franke

Infrastructure

Stablecoins

Onchain FX