Date

Author

Web3Amirah

Partners

Ang Alliance for Prosperity: Ang Unang Buhay na Pinagsama-samang Organisasyon ng 75 na Matitibay na Kasapi

Makalipas ang dalawang buwan mula sa unang pahayag, lumaki ng 50% ang Alliance for Prosperity — tumanggap ng mga bagong miyembro at inilunsad ang mga unang integrasyon sa teknolohiya ng Celo.

celo-becomes-the-first-chain-to-support-local-currency-agentic-payments-with-rip

Reading time

3 minutes

Share

Copy link

Simula ng inihayag noong Marso, 50% na ang inilaki ng mga Kasapi.

Orihinal na paglalathala, sa Ingles.

Makalipas ang dalawang buwan pagkatapos ng unang pahayag ng Alliance for Prosperity, ang Celo Foundation ay nasasabik na tanggapin ang bagong pangkat ng mga miyembro. Ang saklaw ng mga kasapi ay nananatiling nakatuon sa mga use case, misyon sa pagpapalawak ng pagsasama sa pananalapi at kaunlaran at pagtanggap sa teknolohiya ng Celo. Ang mga bagong miyembro ay magbibigay ng makabuluhang pag-aaccess at pagkadaluhasa para mas mapalawak ang ekosistema ng Celo sa mga pangunahing pamilihan sa buong mundo.

“Nasasabik kaming makitang lumaki ang Alliance ng 50% simula ng unang pahayag noong Marso, kasama ang mga organisasyong namamahala sa pagpapalawak ng kaunlaran, lalung-lalo na sa Africa at Latin America.” — Chuck Kimble, Kaanib sa cLabs at Pangulo ng Alliance for Prosperity

Mga bagong miyembro na kinabibilangan ng: Ankr, Althea, Bitfy, Blockchain Education Network, Coinfirm, Centrifuge, Dove Wallet, Dunia Pay, Grin, Hex Trust, LatAmTech, Mobike, MyCash Online, Netki, Ontology, Paxful, Peixe, Positive Blockchain, Ribon, Transak, United Africa Blockchain Association, at Yellow.

“Mayroong tamang panahon para sa isang proyekto gaya ng Celo na mangibabaw at mabago ang kahulugan ng pera, lalung-lalo na sa Africa.” — Grey Jabesi mula sa United Africa Blockchain Association

Ang mga bagong kasapi ay kasalukuyan nang bahagi sa isang matibay na samahan ng mga Pangunahing Miyembro: Abra, Alice, AlphaWallet, Anchorage, Appen, Ayannah, Andreessen Horowitz, B12, BC4NB (Blockchain for the Next Billion), BeamAndGo, Bidali, Bison Trails, Blockchain Academy Mexico, Blockchain.com, Blockchain for Humanity (b4h), Blockchain for Social Impact (BSIC), Blockdaemon, cLabs, CloudWalk Inc, Cobru, Coinbase Ventures, Coinplug, Cryptio, Cryptobuyer, CryptoSavannah, eSolidar, Fintech4Good, Flexa, Gitcoin, GiveDirectly, Grameen Foundation, GSMA, KeshoLabs, Laboratoria, Ledger, Ledn, Maple, Mercy Corps, Metadium, Moon, MoonPay, Pngme, Polychain, Project Wren, SaldoMX, Semicolon Africa, The Giving Block, Utrust, Upright, Wyre, Yellow Card, at 88i.

Ang maagang pag-unlad ng Alliance for Prosperity

Simula noong Marso, ang mga kasapi ay naging abala sa integrasyon kasama ang Celo at hinuhubog ang hinaharap ng Alliance.

Mga kamakailang pahayag mula sa Alliance
  • Ang Anchorage at Coinbase ay kapwa napahayag ng suporta sa pamamahala para sa paglunsad ng Celo gold.

  • Ang komunidad ng Celo ay bumoto na ang bahagi ng Celo sa mga block reward ay ipamimigay sa pagtatanim ng mga puno sa pamamagitan ng Project Wren. Nabuo ang pagsasama ng Project Wren at Celo upang suportahan ang carbon neutral decentralized network.

  • Ang cLabs at Appen ay nagsagawa ng isang pilot ng microwork sa Kenya. Alamin ang iba pang detalye sa Survival Skills Podcast.

  • Ang Celo Camp ay maayos na nailunsad, isang programa ng virtual accelerator para sa mga patuluyang negosyo na maitatayo sa plataporma ng Celo. Ang 8-linggong camp ay mayroong 250 na mga aplikante galing sa 60 mga bansa at ang 18 finalist ay magde-demo ng kanilang mga proyekto sa ika-11 ng Hunyo.

  • Tinapos ng Blockchain para sa Social Impact ang kanilang incubator sa Earth Day at pinarangalan ang Celo Peace & Prosperity Challenge sa Abundance, ang proyektong bumubuo ng mga pinagsama-samang salapi sa komunidad ng Celo na may 10,000 miyembro kabilang ang Red Cross at mga ekonomiya na nakabase sa Kenya.

Istraktura ng Alliance

Isa sa mga layunin ng Alliance ay makalikha ng mga oportunidad para sa mga may organisasyon na makipagtulungan. Ipinapahayag namin ang aming apat na pangunahing pangkat na nakapokus sa pagtatrabaho ng internasyonal na tulong, mga remittance, patakaran, at komunikasyon.

Sinimulan ng Giving Block ang ganitong inisyatibo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga miyembro sa kanilang fundraising campaign ng #cryptoCOVID19. Sa ngayon, inaanyayahan namin ang inyong partisipasyon sa #cryptoCOVID19 upang makatulong sa mga nonprofit na nangungunang rumesponde sa COVID-19.

Makilahok sa Alliance, at hubugin ang kinabukasan sa Bukas na Pananalapi

Sa ganitong bukas na sistema, anumang organisasyon na nakahanay sa misyon ay makakapag-apply upang makisali sa Alliance na may mga pangakong epektibo. Inaanyayahan namin ang mga organisasyon na makiisa sa amin sa makabuluhang pagbabago sa istorya ng pananalapi at lumapit sa isang mas malakas na ekosistema na naghahain sa mga merkado sa buong mundo.

Kami ay nasasabik na makita ang pandaigdigang epekto mula sa Alliance at inaabangan ang panahon na makita ang maraming organisasyong nakahanay sa misyon na sumali sa samahan ng Celo para sa kaunlaran.

Likha ni: Celo Foundation.

Initiatives

Milestones and Recaps

Blockchain for Good